Kathryn Bernardo discovers Daniel Padilla cheated on her from Andrea Brillantes herself—sources (2024)

Ang mapatunayang nagkaugnayan sina Daniel Padilla at Andrea Brillantes ang nag-udyok kay Kathryn Bernardo upang makipaghiwalay sa nobyo ng 11 taon.

Ito ang sinasabing last straw para kay Kathryn.

Sinasabi ring mismong si Andrea ang nagkumpisal kay Kathryn.

Ito ang impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa iba-ibang trusted sources na malapit sa couple na binansagang KathNiel.

Hiwalay na sina Kathryn at Daniel noon pang dumalo sila sa ABS-CBN Ball noong September 30, 2023.

Dalawang buwan ding inililihim ng couple ang breakup.

Read: End of KathNiel Era: A timeline of their generation's hottest box-office love team

KATHRYN HEARS ANDREA'S CONFESSION

Paano naman nangyari ang pag-amin ni Andrea kay Kathryn?

Bago ang breakup ng KathNiel, ayon sa di kukulanging apat na sources ng PEP.ph, personal na nagharap sina Kathryn at Andrea.

Ayon pa rin sa trusted sources, si Andrea ang nag-reach out.

Tinawagan daw ni Andrea si Kathryn sa telepono at sinabing gusto niyang makausap si Kathryn "in person."

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pinagbigyan ni Kathryn," sabi ng Unang Source.

Madaling-araw na at "lasing" daw si Andrea nang magtungo sa office/studio ni Kathryn sa Quezon City.

Dito na raw isiniwalat ni Andrea ang tungkol sa pagtatagpo nila ni Daniel.

Pagpapatuloy ng Unang Source: Nagtagpo ang dalawa sa bahay ni Daniel noong November 2021, kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng ina ng aktor na si Karla Estrada.

Magkatabing properties ang lugar ng mag-inang Daniel at Karla, ngunit magkahiwalay ang kanilang mga bahay, at hindi raw alam ni Karla ang pagtagpo nina Daniel at Andrea.

Noong panahong iyon, si Kathryn ay 25, si Daniel ay 26, at si Andrea ay 18.

Hindi malinaw hanggang ngayon kung ano ang intensiyon ni Andrea nang maglakas-loob itong umamin kay Kathryn tungkol sa pribadong pagtatagpo nila ni Daniel.

Nang magkita sila ni Kathryn, pinabasa rin ni Andrea kay Kathryn ang palitan nila ni Daniel ng messages sa cellphone.

Sa sariling salita ng Unang Source: "Pinakita ni Andrea kay Kath lahat ng landian nila ni DJ sa text."

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

Kasama raw sa pinabasa ni Andrea kay Kathryn ang mensahe mula kay Daniel na nagsasabing, "Ayusin mo yan."

Sa paliwanag ng Unang Source, iyon daw ang sagot ni Daniel nang magsumbong si Andrea na may ibang nakaalam sa kanilang ugnayan, ilang araw lamang mula nang magsama sila sa bahay ng aktor.

Ang sinasabing ibang nakaalam ay ang noo'y boyfriend ni Andrea na si Seth Fedelin.

Ayon pa rin sa Unang Source, nang magkaroon ng ugnayan sina Daniel at Andrea Nobyembre ng 2021, nasa "cool-off" period sina Andrea at Seth dahil sa away-magkasintahan.

Natuloy sa breakup ang cool-off na ito nang mahuli raw ni Seth ang palitan ng text messages nina Andrea at Daniel.

Sinabi pa ng Unang Source na "may resibo si Seth" ng palitang ito, kaya hindi raw ito basta mapapaniwala ng kung anong ibang eksplanasyon.

Read: Andrea Brillantes reveals past relationship with Seth Fedelin; explains issue involving Francine Diaz

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang beses lamang at hindi na naulit ang tagpuan nina Daniel at Andrea, paglilinaw ng Unang Source.

At iyon din daw ang kabuuan ng inamin ni Andrea kay Kathryn.

Read: PEP OUTTAKES: Why we're all affected by KathNiel breakup

Halos ganito rin ang kuwento sa PEP.ph ng Pangalawa at Pangatlong Sources na malapit kina Kathryn at Daniel. Nakumpirma naman ito ng Pang-apat na Source.

UPDATE ON daniel-andrea tryst

May dalawang impormasyong pumasok sa PEP.ph tungkol kina Daniel at Andrea matapos lumabas ng kuwentong ito.

Sa kabuuan, kinukumpirma ng isang Bagong Source ang nakalahad na kuwento tungkol sa dalawang stars.

Liban lang sa isang matimbang na detalye sa timeline. Mali raw ang petsang Nobyembre 2021 para sa kanilang pagtatagpo.

Nguni't ayaw na ng Bagong Source ibigay ang sinasabi nitong tamang petsa. Minabuti pa rin ng PEP.ph na banggitin ito dahil kung may pag-aalinlangan, dapat masabing mayroong pag-alinlangan.

Samantala, naninindigan ang mga naunang PEP.ph sources na tama ang petsang Nobyembre 2021.

Ang isa pang impormasyon ay tungkol sa motibo ni Andrea sa pag-amin kay Kathryn.

Sinasabi ng Bagong Source na totoong maganda ang intensiyon ni Andrea. Napagpayuhan umano ito ng kanyang spiritual support group na humingi ng patawad sa taong nasaktan niya.

Kaya humingi siya ng personal na pagkikita kay Kathryn.

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

KATHRYN INITIATES BREAKUP WITH DANIEL

Dahil sa napag-alaman ni Kathryn, nasira nang tuluyan ang relasyong KathNiel.

Masakit na masakit daw para kay Kathryn ang malamang nagtaksil ang nobyo.

Si Daniel ang first boyfriend ni Kathryn.

Hindi lang sila magkasintahan ng 11 taon, magka-love team din sila ng 12 taon.

At sa panahong iyon, magkasama nilang sinuong ang maraming highs and lows sa kanilang personal at professional lives.

Sabay silang gumaling at kuminang sa kani-kanilang careers, sabay na naabot ang mga pangarap para sa sarili at para sa pamilya, at sabay ring naging kanlungan ang isa't isa sa mga oras ng problema.

Pero bukod sa nasirang tiwala, kung mayroon mang iba pang isyu ang magkasintahan, sa huli ay pinili ni Kathryn na tapusin na ang relasyon nila ni Daniel.

Hindi raw iyon madaling desisyon para sa aktres.

"Mahal pa rin ni Kath si DJ, e, pero ayaw na niya," tinitiyak ng Pangalawang Source.

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumating daw si Kathryn sa puntong "enough is enough," ayon uli sa Unang Source.

Read: Kathryn Bernardo confirms breakup with Daniel Padilla

KEEPING THE BREAKUP UNDER WRAPS

Hindi malinaw ang eksaktong petsa ng hiwalayang Daniel at Kathryn.

Noong September 1, 2023, base sa IG post ni Kathryn, magkasama pa silang dumalo ni Daniel sa Omega European Masters, isang golf tournament sa Biel, Switzerland, kasama ang mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez.

Ang tanging siniguro ng Pangatlong Source sa PEP.ph ay "officially break na, wala na" sina Kathyrn at Daniel nang dumalo sila sa ABS-CBN Ball noong September 30 ng taong ito.

Sa event na iyon, matatandaang naging palaisipan sa mga sumusubaybay kung bakit solong naglakad sa red carpet si Kathryn at gayon din si Daniel.

Ito ang unang pagkakataong nangyari iyon, dahil mula noong 2012—na unang taong naging magkasintahan sila—ay lagi silang sabay rumarampa sa red carpet ng annual ball, na dating kilala bilang "Star Magic Ball" bago ito pinangalanan ng network na "ABS-CBN Ball" noong 2018.

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkasunod lang naglakad sa red carpet sina Kathryn at Daniel at nagpang-abot din sila sa interview section ng red carpet.

Pero kahit magkatabi ang dalawa, mapapansin sa kanilang body language na may konting distansiya—walang hawak-kamay o akbay at tila hindi dumidikit sa isa't isa.

Nagngingitian man ay tipid ito, di gaya ng dati na kita ang pagka-sweet at pagka-inseparable nila sa isa't isa.

Nadisimula ang hindi nila pagsabay sa red carpet nitong ABS-CBN Ball 2023 dahil may nagsasabing posibleng hinayaan lang nilang mapunta ang spotlight sa new love teams na rumampang magkasabay.

May iba rin namang couples na piniling mag-solo sa red carpet, maaari ngang to shine on their own at hindi matuon ang focus sa love life lamang.

Namataan sa red carpet si Daniel na nag-volunteer pang kumuha ng picture ni Kathryn kasama ang A Very Good Girl co-star nitong si Dolly De Leon.

Nakunan din silang magkasama, base sa official photo na inilabas sa socials ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na parehong kinabibilangan nila.

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi malinaw kung paano ang galaw nila sa loob ng ballroom dahil restricted iyon sa media.

Sa pagitan ng ABS-CBN Ball 2023 at sumunod na dalawang buwan, nanatiling tikom ang bibig nina Kathryn at Daniel sa pinagdaraanan nilang isyung personal.

Pero pagpasok ng unang linggo ng November 2023, umingay ang espekulasyong hiwalay na ang mga ito at ang itinuturong third party ay si Andrea.

Sa YouTube vlog ni Ogie Diaz noong November 8, binanggit ni Ogie ang aniya'y unverified information ng pag-uugnay kina Daniel at Andrea.

"... Na ang pinagselosan ni Kathryn ay si Andrea Brillantes. May nagtsika pa sa akin na nagkikita nang lihim si Daniel at si Andrea," saad ni Ogie.

Ang huli ay pinabulaanan naman ng Sources ng PEP.ph. One-time fling daw ang kina Andrea at Daniel. Hindi na ito nasundan.

Sa gitna ng kontrobersiya, tahimik lang sina Kathryn at Daniel, at pati na si Andrea. Tuloy lang ang mga ito sa trabaho.

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong November 10, 2023, lumabas ang daring-but-classy pictorial ni Kathryn bilang cover girl ng Preview.

Nakasuot si Kathryn ng red heart-shaped bra top, white shorts, at loose pants.

Noon pa man ay kilalang protective si Daniel kay Kathryn at may pagkakonserbatibo pa ang binata.

Madalas nitong sinisigurong in place ang damit ng nobya kapag humaharap sa camera o kung nasa matao silang pampublikong lugar.

Nariyang bibigyan ni Daniel ng pantakip si Kathryn, gaya ng throw pillow o kaya'y jacket niya, para tiyaking safe ang dalaga sa mga camera at mga usyoso.

Kaya may mga napatanong kung may basbas ni Daniel ang revealing outfit ni Kathryn sa Preview.

Ang ginawa ni Daniel na pag-like sa cover at ang kanyang pag-repost sa IG post ni Kathryn ng behind-the-scenes video ng Preview shoot ang nagsilbing sagot sa fans.

Inakala pa ng iba na senyales ito na hindi totoo ang bali-balitang break na ang KathNiel.

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: PEP OUTTAKES: KathNiel, KimXi, Richard-Sarah rumored breakups

KATHRYN AND DANIEL'S BREAKUP CONFIRMED

Hanggang sa noong November 30, 2023, tuluyang kinumpirma nina Kathryn at Daniel na hiwalay na sila.

Magkasunod na umamin sina Kathryn at Daniel sa pamamagitan ng paglathala ng kani-kanilang official statement via Instagram.

Nauna si Kathryn maglabas ng madamdaming open letter, kalakip ang throwback photo nila ni Daniel noong nagsisimula pa lang ang kanilang relasyon.

Ipinaliwanag dito ni Kathryn na sa karera at sa pag-ibig, siya na ang nagdedesisyon para sa sarili.

Naging tapat siya sa pagsasabing "aware" siya sa "rumors and speculations going around."

Sabi pa niya: "...as hard as it is to put everything into words, I want you to hear it straight from me: It's true that Deej and I have decided to part ways."

Idiniin ni Kathryn na malaki ang respeto niya sa pinagsamahan nila ni Daniel, na aniya'y "almost half of my life that I would never regret and would never trade for anything in the world."

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ng female lead ng kasalukuyang highest-grossing local movie of all time, ang Hello, Love, Goodbye: "He knew me more than anyone else. He was my first boyfriend. He was my comfort zone. He was my person. I will always have love for him."

Walang ibinigay na dahilan si Kathryn, pero inamin niyang ilang buwan na silang may problema.

Sinubukan daw nilang ayusin ito, pero hindi nila kayang magpanggap na maibabalik pa ang dating samahan.

"Like any other relationship, we tried our best to make it work.

"We've been drifting apart for a while now, and we ultimately had to accept that we can't go back to where we used to be.

"It just won't be fair to pretend that everything is still the same."

Nangako si Kathryn sa KathNiel fans na patuloy nilang susuportahan ni Daniel ang isa't isa sa kabila ng kanilang hiwalayan.

Sabi pa ni Kathryn, "We will continue to love you and make you proud, but we hope you understand that this is something we really need.

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We hope you can join us in this healing process and not let those precious memories go to waste. Kaya natin 'to."

Hiling ni Kathryn na manaig ang respeto sa kabila ng sakit na dulot ng kanilang hiwalayan.

Kaya sa caption ng kanyang post ay sinabi rin niyang iyon ang una at huling pagsasalita niya sa isyu, at hindi na siya sasagot sa anumang katanungan tungkol sa breakup.

Ang huling linya ng kanyang post ay para sa ex-boyfriend: "Deej, you gave me 11 beautiful years and the kind of love that I will forever cherish. I will always be grateful for you."

Makalipas ang ilang minuto, naglabas din si Daniel ng madamdamin at mala-tulang mensahe para kay Kathryn.

Nilakipan din niya ito ng throwback photo nila ni Kathryn noong mas bata pa sila.

Bahagi ng caption ni Daniel: "Isang malaking biyaya ang pagmamahal. Ang mahalin ka. At mahalin mo.

"Ang mga alaala natin ay laging kong baon sa aking puso at magiging liwanag sa mga madidilim kong araw.

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Thank you for dancing with me during my highs and thank you for singing with me during my lows

"Our lives may drift away, but our love will still ride that tide."

Read: Daniel Padilla on breakup with Kathryn Bernardo: "Ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan."

Noong December 13, binura ni Daniel ang original caption sa kanyang post at pinalitan ng mga katagang: "Ikaw at ako."

Read: KATHNIEL COMEBACK? Daniel Padilla deletes his breakup message to Kathryn Bernardo

KATHRYN AND DANIEL'S APPEARANCES

Tulad ng pangako ni Kathryn, tila patuloy nga ang suporta nila ni Daniel sa isa't isa.

Pumayag pa rin ang dalawang magkasama sa ABS-CBN Christmas Special na ginanap sa Araneta Coliseum noong gabi ng December 13, 2023.

Nag-duet sila ng "I'll Be There For You" ng The Rembrandts, ang theme song ng sikat na American sitcom na Friends.

Read: Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pinatunayang kaya nila magsama on stage sa kabila ng breakup

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang propesyunalismo ng dating magkasintahan sa kabila ng pinagdaraanan ay umani ng paghanga hindi lang mula sa KathNiel fans kundi mula sa ibang netizens.

Nasundan pa ito ng pagsasama nina Kathryn at Daniel sa entablado nang tanggapin nila ang Fabulous Award sa Asia Artist Awards 2023, sa Philippine Arena sa Bulacan, noong December 14.

Nakita ang waring sweetness ng dalawa sa AAA 2023 at nagka-agam-agam ang iba na posibleng magbalikan sina Kathryn at Daniel. Sa kanyang IG post sa sumunod na araw, December 15, tinuldukan ito ni Kathryn.

Ang huling post ni Kathryn: “No looking back, only moving forward.”

Read: Kathryn Bernardo, Daniel Padilla on friendly terms as they accept awards at AAA 2023

Kathryn Bernardo discovers Daniel Padilla cheated on her from Andrea Brillantes herself—sources (2024)

References

Top Articles
Latest Posts
Article information

Author: Arline Emard IV

Last Updated:

Views: 6679

Rating: 4.1 / 5 (52 voted)

Reviews: 83% of readers found this page helpful

Author information

Name: Arline Emard IV

Birthday: 1996-07-10

Address: 8912 Hintz Shore, West Louie, AZ 69363-0747

Phone: +13454700762376

Job: Administration Technician

Hobby: Paintball, Horseback riding, Cycling, Running, Macrame, Playing musical instruments, Soapmaking

Introduction: My name is Arline Emard IV, I am a cheerful, gorgeous, colorful, joyous, excited, super, inquisitive person who loves writing and wants to share my knowledge and understanding with you.